Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng Pinay worker na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait.
Ayon sa pamilya ni Joanna Daniela Demafilis, mabait na kaanak ito at nag trabaho sa Kuwait noong 2014 para suportahan ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mga kapatid.
Sinabi ng kaniyang mga kaanak na 2016 nang huli nilang makausap si Joanna na nagpapaalam sa kanila para i extend pa ang kontrata nito ng isang taon.
Pebrero taong 2017 nang magpasaklolo ang mga kaanak ni Demafilis sa OWWA para mahanap ito subalit bigo ang ahensyang matunton ang pinay worker lalo na’t nagsara na rin ang ahensyang nagpasok dito.
Bumiyahe na sa Maynila ang mga kapatid ni Demafilis at mahigpit nang nakikipag ugnayan ang mga ito sa OWWA para sa agarang pagpapabalik ng labi ng pinay worker pabalik ng Iloilo.