Kasado na ang apatnapu’t apat (44) na kaso ng homicide through reckless imprudence laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, kaugnay ito sa malinaw na kasalanan ng dating pangulo sa pagkamatay ng apatnapu’t apat (44) na miyembro ng SAF o Special Action Force sa Mamasapano Maguindanao.
Malinaw naman aniya sa rekomendasyon ng Senado na nilagdaan ng dalawampung (20) senador na dapat isama ang dating pangulo sa sasampahan ng kaso.
Kasama rin anya sa kanilang kakasuhan sina dating PNP Chief Allan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio
Ngayong araw na ito, nakatakdang lumusob sa Ombudsman ang grupo ni Topacio at mga militanteng grupo upang iprotesta ang pag-etchapuwera ng Ombudsman kay Aquino sa mga kinasuhan nila sa Sandiganbayan.
Binatikos ni Topacio si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pahayag nito na dedesisyunan lamang niya ang kaso ni Aquino kapag magreretiro na siya bilang Ombudsman.
Bahagi ng pahayag ni Atty Ferdinand Topacio
Justice
Uhaw pa rin sa hustisya ang mga pamilyang naiwan ng apatnapu’t apat (44) na miyembro ng PNP-SAF o Special Action Force na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao
Sa bisperas ng paggunita sa ikalawang taon ng madugong engkwentro kahapon ay nakipagdayalogo ang pamilya ng SAF 44 kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Ayon kay Guillermo Tria, ama ng SAF Senior Inspector Max Tria, hindi mawala ang kanilang pagkadismaya dahil hanggang ngayon ay mailap pa kanila ang hustisya.
Marami rin aniya sa mga naipangako tulong tulad ng pabahay, scholarship, hanap-buhay at iba pa ang hindi pa rin nila natatanggap.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview) | Drew Nacino