Humihingi ng hustisya at umaapela sa Pangulong Rodrigo Duterte para sa agarang pag aresto sa suspek ang pamilya nang pinatay na siklistang si Mark Vincent Garalde
Hindi matanggap ng pamilya ni Garalde ang sinapit nito sa kamay ni Army Reservist Vhon Martin Tanto kayat hinihingi nila ang tulong ng Pangulo para madakip ito kaagad
Ayon kay Kristine Eleazar, hipag ni Garalde huli nilang nakita ang siklista Lunes ng gabi na pasakay ng kaniyang bisikleta para pumasok sa kaniyang trabaho
Sinabi naman ni Risen Eleazar, isa pang hipag ni Garalde na hindi sila makapaniwalang mangyayari sa kanilang kaanak ang sinapit nito
Dahil dito isinusulong ng mga kaanak ng biktima ang habambuhay na pagkabilanggo kay Tanto
Naulila ni Garalde ang dalawang anak nito
By: Judith Larino