Inihayag ng punong ehekutibo na nais niyang isama sa mga prayoridad na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga pamilya ng mga uniformed personnel.
Sa isang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu, sinabi nito na kanya nang sinabihan si Vaccine Czar Carlito Galvez hinggil sa planong pagsama sa asawa’t-anak ng mga sundalo’t-pulis
Ani Pangulo, kailangan lang ng mga ito magpunta sa mga kampo para magpaturok ng bakuna.
So ang sunod niyan is — mauna kayo and if the Secretary Galvez would — sabihin ko sa kanya kasali na ‘yung pamilya ninyo. Magpunta ‘yung mag-inject sa mga kampo, tuturukan pati ‘yung mga anak ninyo,” pahayag ng Pangulo.
Bukod sa pamilya ng mga uniformed personnel, iginiit din ng Pangulong Duterte na uunahin ding bakunahan ang maralitang Pilipino.
So ‘yung lahat sabi ko una ‘yung mga mahirap. Iyon talagang mga mahirap na isang tuka, isang kahig. Unahin ko ‘yon pati ‘yung uniformed service kasi e’ kung paano kung magkasakit itong lahat. Paano — how can we function a government with a sick soldier or policeman in your midst,” ani ng Pangulo.