Nanawagan na ng proteksyon kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang pamilya ni Dr. Chao-Tiao Yumol, suspect sa shooting incident sa Ateneo de Manila University noong nakaraang linggo.
Hiling ito ng pamilya matapos pagbabarilin kahapon ang kanilang padre-de-pamilya sa mismong tapat ng kanilang bahay sa Lamitan City, Basilan.
Ayon sa Ina ng doktor na si Muykim, ipinaabot na nila ang hiling kay Pangulong Marcos Jr., dahil nag-aalala na sila sa kanilang buhay.
Nakatanggap kasi ng balita si Muykim na iisa-isahin sila ng namaril.
Ayon pa sa ginang, marami ang nagpapayo sa kanilang pamilya na mag-ingat.
Isang Retiradong Pulis ang pinatay na ama ni Chao-Tiao na si Rolando Yumol, na dead-on-the-spot matapos barilin ng apat na beses sa likod.