Humingi ng paumanhin ang pamilya ni Baron Geisler kaugnay sa kinasangkutan muli ng aktor matapos itong arestuhin ng mga awtoridad dahil sa panggugulo nito sa isang resto bar sa Quezon City.
Ayon sa isang panayam sa kapatid ni Baron na si Donald David Geisler III, gumagawa na umano sila ng hakbang para maayos na ang kinakasangkutan ng kapatid.
Kuwento pa ni Donald, maaaring nahihirapan din ang kaniyang kapatid mula sa lungkot na nararamdaman noong pumanaw ang kanilang ina.
Matatandaan ilang beses na rin nasangkot ang aktor sa samu’t saring isyu tulad na lamang ng pag-ihi nito sa kapwa niya aktor.
—-