Duda ang kampo ni dating world boxing champion Nonito Donaire Jr. sa naging resulta ng COVID-19 test na isinagawa sa kanya matapos siyang magpositibo sa virus.
Lalaban sana si Donaire sa December 19 kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa Connecticut para sa bakanteng WBC bantamweight title pero dahil nagpositibo nga siya sa sakit ay napilitan itong umatras sa bakbakan.
Sa isang post sa Facebook ng misis ni Donaire na si Rachel, binanggit na nakapagtatakang nagpositibo ang kanyang mister sa sakit habang siya at ang iba pang miyembro ng pamilya at team ay nagnegatibo naman sa test.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang promoter ng boxing card ukol sa naturang isyu.