Ikinatuwa ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang hindi pagpayag ng korte na makapagpiyansa ang dalawang suspek sa pagpatay kay Ferdinand “enzo” Pastor.
Ayon kay VACC Spokesperson Arsenio Boy Evangelista, patunay lamang aniya nito na matibay ang ebidensya laban sa pulis na si Edgar Anghel at Domingo “sandy” de Guzman.
Kasunod nito, umaasa si Evangelista na mahuhuli rin ng mga awtoridad ang misis ni Enzo na si Dahlia na patuloy na nagtatago sa mga awtoridad sa Indonesia.
Samantala, naipaalam na sa mga magulang ni Enzo na sina Tom at Remy Pastor ang naging desisyon ng korte at labis ding ikinatuwa ng mag-asawa ang bagong development na ito sa kaso ng kanilang anak.