Dismayado pa rin sa gobyerno ang pamilya ng binitay na Overseas Filipino Worker sa kuwait na si Jakatia Pawa.
Ayon kay Airforce Lt. Col. Angaris Pawa, kapatid ni Jakatia, hindi pa rin matanggap ng kanyang mga pamangkin ang sinapit ng kanilang ina.
Kung tinutukan lamang anya ng gobyerno lalo ng Department of Foreign Affairs ang kaso ng kanyang kapatid ay tiyak na maililigtas ito sa parusang kamatayan.
Kinuwestyon din ng kapatid ni Jakatia ang pondong inilaan noon ng Arroyo Administration para sa mga bibitaying Pinoy sa ibayong dagat.
By: Drew Nacino