Nakaambang maeskandalo ang pamilya ng aktor na si Joross Gamboa matapos itong maugnay sa isang video scandal.
Kamakailan lang ay nag-trending sa social media si Joross nang siya ang tukuyin ng ilang mga netizen bilang siyang lalaking tampok sa nasabing video.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Joross hinggil sa ulat na ito.
Samantala, magugunitang noong Oktubre lamang nang buong pagmamalaking ianunsyo ni Joross sa instagram ang pagiging bagong ama niya nang manganak ang kanyang non-showbiz na misis sa Estados Unidos.
By: Avee Devierte