Hindi kumbinsido ang pamilya ng nasawing batikang broadcaster-commentator na si Percival Mabasa o mas kilala bilang sa Percy Lapid sa naging pahayag ng 2nd middleman na si Christopher Bacoto hinggil sa krimen.
Nabatid na sa sinumpaang salaysay ni Bacoto, kaniyang sinabi na puro lamang salita at walang mabigat o matibay na ebidensya ang Department of Justice (DOJ) laban sa kaniya.
Sa naging ni Atty. Berteni “Toto” Causing, tagapagsalita ng kampo ng pamilya Mabasa, kumbinsido sila sa naging pahayag ng gunman na si Joel Escorial dahil na rin sa mga naisumite nitong ebidensiya.
Samantala, sa kabila naman ng naging hamon ni suspended BuCor dir. Gerald Bantag na magbitiw sa puwesto si Justice secretary Boying Remulla, humiling si Roy Mabasa na patuloy na tutukan ang imbestigasyon sa kaso ng kaniyang kapatid dahil inililihis lamang ni Bantag ang naturang usapin.
Hinamon naman ni Roy ang suspended BuCor chief na kumbinsihin ang kasamahang si Ricardo Zulueta na ngayon ay nagtatago sa batas na lumabas at harapin ang nakahaing kaso laban sa kaniya.