Isusulong ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na isailalim sa WPP o Witness Protection Program ang pamilya ni Kian Lloyd delos Santos at iba pang testigo sa pagpatay sa binatilyo.
Ayon kay Arsenio ‘Boy’ Evangelista, Spokesman ng VACC, layon nilang matiyak na mabilis na uusad ang kaso dahil mga alagad ng batas ang mga sangkot.
Tiniyak rin ni Evangelista na handa silang magkaloob ng legal na tulong sa pamilya ni Kian Lloyd upang matiyak na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng binatilyo sa kamay ng mga pulis.
Sa panig ni VACC Chairman Dante Jimenez, tiniyak nito na hindi papayagan ng VACC na mabahiran ang giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Duterte na kanilang sinusuportahan.
“Basta ang aming posisyon sa VACC tuloy ang laban sa illegal drugs, grabe ang problema natin sa drugs ang problema lang may mga pulis na dumudungis dito sa operations na ito.” Pahayag ni Jimenez
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview