Nabiktima ng identity theft ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan.
Dumulog ang mag-asawa sa PNP Anti – Cybercrime Group para ireklamo ang nasa likod ng mga pekeng Facebook account nilang mag-asawa at maging ng kanilang apat na anak.
Ginamit anila ng suspek ang naturang mga account para humingi ng load at pera sa kanilang mga kapamilya at mga kakilala.
Naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Myca Aranda, 19-anyos isang estudyante habang nagki-claim ng pera mula sa isang remittance company.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa computer related identity theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, Swindling at paglabag sa Child Abuse Law.
By Rianne Briones
Photo Credit: GRIG C. MONTEGRANDE/ Inquirer