Hindi naniniwala ang pamilya ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte na nakapag puslit ito ng armas sa kaniyang selda.
Ito ayon kay Atty Lanie Villarino, abogado ng mga Espinosa ay kayat nananatiling shock ang pamilya sa sinapit ng alkalde.
Iginiit ni Villarino na hindi matanggap ng pamilya ang pagkakamatay sa alkalde kayat pinag aaralan nilang hilingin ang isang independent investigation sa insidente.
Hindi naman tinukoy ni Villartino kung anong ahensya ang hinilingan ng pamilya Espinosa na magsagawa ng independent investigation sa usapin.
Kasabay nito ipinabatid ni Villarino na hindi na magpapaunlak ng anumang media interview ang pamilya Espinosa na humihingi ng privacy.
By: Judith Larino