Magkahalong tuwa at pagkadismaya ang naramdaman ng pamlya ng Pinay overseas worker na si Jeanalyn Villavende.
Ito’y makaraang hatulan ng bitay ng Kuwaiti court ang among babae ni Villavende dahil sa matinding pambugbog nito na nagresulta sa pagkasawi ng Pilipinas.
Habang apat na taong pagkakakulong lamang ang iginawad sa among lalaki nito dahil sa pagtatakip sa krimen at pangmomolestiya nito
Dahil diyan, inaasahang maghahain ng apela ang pamilya Villavende upang mahatulan din ng bitay ang among lalaki ni Jeanalyn.
Pero sa panig ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, patas ang naging hatol ng Kuwaiti court laban sa mga akusado
Disyembre 2019 nang masawi si Jeanalyn sa kamay ng kaniyang mga amo matapos makaranas ng matinding pangmamaltrato mula sa mga ito.