Nakikipag-ugnayan na ang SPD o Southern Police District sa mga himpilan ng pulisya sa Metro Manila at karatig lalawigan tulad ng Cavite at Laguna.
Kasunod ito ng pagkawala ng 17 anyos na dalagitang si Patricia “ica” Policarpio, anak ng PR man na si Atty. Jimmy Policarpio.
Huling nakita umano si Ica sa tapat ng isang coffe shop sa Sucat, Muntinlupa city nuong 22, Huwebes.
Nakausap pa umano ni Ica ang kaniyang ina para magpasundo subalit wala na ang biktima nang puntahan ito ng kaniyang magulang kung saan, naiwan nito ang kaniyang bag, laptop at cellphone sa naturang coffe shop.
Nagpasaklolo na sa NBI o National Bureau of Investigation ang Pamilya Policarpio para matunton ang kinaroroonan ng dalagita at kung sino ang kasama nito.