Pinakamaraming ibinigay na kontribusyon para sa Partido Liberal nitong nakaraang halalan si Secretary Mar Roxas at ang pamilya nito.
Batay sa Statement of Contributions and Expenditures ng LP, umabot sa P60 million pesos ang ibinigay ni Roxas sa partido at sinundan naman ito ng P40 million pesos ng kanyang ina na si Judy Araneta – Roxas.
Nagbigay naman ng 25 million pesos ang tiyuhin ni Roxas na si Jorge Araneta at P10 milyong piso naman ang mula sa tiyahin ni Roxas.
Malaki din ang ibinigay ng negosyanteng si Francis Enrico Gutierrez sa LP, at ito ay umabot sa 10 milyong piso.
By Katrina Valle | Allan Francisco (Patrol 25)
Photo Credit: thesummitexpress.com