Ikinagulat ng pamilya Sarmenta ang balitang mapapalaya si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa mga UP Los Baños student na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.
Ayon kay Maria Clara Sarmenta, ina ni Eileen, nanumbalik ang lahat ng naramdaman nilang sakit noong nililitis pa ang kaso ng kanyang anak.
Aniya, dapat mapatunayang nagkaroon nga ng “good behavior” ang dating alkalde habang nasa loob ng kulungan na naging basehan sa posibleng paglaya nito.
Iginiit pa ni Ginang Sarmenta, nabigo rin si Sanchez na bayaran ang iniuutos ng korte na danyos bagama’t hindi na rin nila hinihintay ang anumang financial damages mula sa dating alkalde.
‘’Napanood namin sa balita na it’s not about parole, it’s about a new law that they are implying to Sanchez. Na commute yung kanyang sentence because of well behaved daw siya doon siya sa prison which we doubt. Paano siya magiging well behaved eh lahat ng bawal sa loob ng bilibid ay nasa kanya na? Meron siyang aircon, meron siyang cellphone, meron siyang TV, tapos nahulihan siya ng maraming iligal drugs so paanong naging well behaved po siya doon? Hindi po naming maintindihan kung paano po nila kinompute yon.’’— Pahayag ni Maria Clara Sarmenta, ina ng isa biktima ni dating mayor Antonio Sanchez.
(Balitang Todong Lakas interview)