Puspusan pa rin ang pagkilos ng pamilya ni Mary Jane Veloso upang makausap ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atty. Josalee Deinla, isa sa mga abogado ng mga Veloso, bagamat nabigla at natakot ang pamilya Veloso sa balitang nagbigay ng go signal ang Pangulo sa pagbitay kay Mary Jane, nais pa rin nilang marinig mula rito kung ano ang tunay na nangyari sa pakikipag-usap niya kay Indonesian President Joko Widodo.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Josalee Deinla
Binigyang diin ni Atty. Deinla na hindi taliwas sa kampanya kontra illegal drugs kung iapela man ng Pangulong Duterte ang buhay ni Mary Jane kay Pangulong Widodo.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Josalee Deinla
Mary Jane’s testimony
Samantala, inihahanda na ang pagkuha sa testimonya ni Mary Jane Veloso laban sa mga nag-recruit sa kanya sa Indonesia.
Ayon kay Atty. Josalee Deinla, isa sa mga abogado ni Mary Jane, inaantay na lamang nila ang order ng judge para sa pagkuha ng deposition ni Mary Jane sa Indonesia.
Naniniwala si Deinla na hindi lamang magiging susi ng kalayaan ni Mary Jane kung masesentensyahan sina Kristina Sergio at Julius Lacanilao kundi malaking tulong rin ito sa kampanya ng Pilipinas at ng Indonesia laban sa illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Josalee Deinla
By Len Aguirre | Ratsada Balita