Umabot na sa halos 100 pamilya ang inilikas mula sa kani kanilang mga tirahan sa mga lalawigan ng Catanduanes at Camarines Norte dahil sa bagyong tisoy.
Base sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ito ay dahil nasa flash flood and storm surge prone areas ang mga bahay ng mga naturang residente.
Nasa 911 pamilya ang inilikas sa bayan ng Vinzon sa Camarines Norte samantalang nasa 27 pamilya naman sa Pandan, Catanduanes.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng mga lokal na pamahalaan sa mga naturang lugar.