Pumalo na sa 74,882 na mga pamilya ang nabigyan ng ayuda ng pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi nito na ang higit sa 74,000 na mga pamilyang nabigyan ng ayuda ay sang-ayon sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Dahil dito, umabot na sa higit P300-milyon ang naipamahagi ng DSWD sa publiko.
Habang higit sa P3-bilyon naman ang naipamahagi ng ahensya sa 469,270 na mga karagdagang benepisyaryo ng programa.
Sa huli, siniguro ng DSWD na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng ayuda sa publiko sang-ayon sa Bayanihan 2.