Inihayag ng National Housing Authority (NHA) na bibigyan nila ng pabahay ang naulilang pamilya ni Jullebee Ranara, OFW na pinatay sa kuwait.
Ayon kay Joeben Tai, General Manager ng NHA, bilang tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng tulong ang pamilya ni Ranara.
Nitong linggo, binisita ng NHA ang burol ng Pinay OFW sa Las Piñas City at ipinaabot ang taos puso nilang pakikiramay.
Tiniyak naman ng NHA sa pamilya na may kalayaan itong pumili kung saan nilang lugar nais magkaroon ng bahay.
Samantala, nagpasalamat ang ama ni Ranara na si Romy sa NHA lalo’t malaking tulong ang bahay sa kanilang pamilya.