Dumami pa ang pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap.
Ito ay batay sa resulta ng ikatlong bahagi ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa sa 1,500 Filipino adults sa buong bansa.
Lumabas na nasa 52 porsyento o tinatayang labing 2.2 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Kaparehas nito ang resultang lumabas sa self-rated poverty nuong Disyembre 2014 na naitalang pinakamataas din.
Samantala, sa parehas na survey, umakyat din sa 36 na porsyento o 8.5 milyong pilipino ang nagsabing sila ay “food-poor” o salat sa pagkain.
Mas mataas naman ito ng dalawang porsyento sa huling naitalang pinakamataas nuong Hunyo 2018 kung saan pumalo lamang sa 34 na porsyento.