Posible umanong hindi agad matapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa publiko sa ilalim ng amelioration program ng pamahalaan.
Ayon kay DSWD secretary Rolando Bautista, posibleng lumagpas sa April 12, kung kailan nakatakdang magtapos ang enhanced community quarantine (ECQ), ang kanilang pamimigay ng ayuda dahil sa dami ng kailangang maabot nito.
Isa rin umano sa nagpapatagal nito ay ang validation ng local government unit ng kanilang target beneficiary.
Gayunman, tiniyak ni Bautista na kahit matapos na ang ECQ ay kanila pa ring ibibigay ang mga tulong na kailangan ng bawat pamilya.