Umarangkada na ang payout activities ng Department of Social Welfare and Development para sa mga residenteng apektado ng oil spill sa bayan ng Mansalay, Pola at Bulalacao sa Oriental Mindoro.
Nabatid na ito ay bahagi ng kanilang cash-for-work program.
Isasagawa ang payout sa bayan ng Gloria, Roxas, Bangabong, Bansud, Pinamalayan, Naujan, Baco, San Teodoro, Socorro, at Victoria gayundin sa City of calapan bukas hanggang May 19, Biyernes.
Inaasahan namang makikinabang ang may kabuuang 25,000 katao mula sa Oriental Mindoro.
Bilang kapalit sa kanilang natigil na hanapbuhay, ang DSWD ay nagkaloob ng cash assistance na katumbas ng kanilang minimum wage para magamit na pambili ng kanilang pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at iba pa. – sa panulat ni Hannah Oledan