Pinalawig pa ng Interior Department ang deadline ng pamamahagi ng cash assistance sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Agosto.
Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na nasa 80% o nasa P9.1-B pa lamang ng P11.2-B ang naipamahaging cash assistance sa mga low income families na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sa datos ng DILG, nitong Agosto 11 hanggang 24 ay pumalo na sa 9,101,999 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda sa NCR.
Mababatid na ang pagpapaliwig ng deadline ng pamamahagi ng ayuda ay ginawa ng DILG matapos na hilingin ng mga lokal na pamahalaan sa NCR at nina DSWD secretary Rolando Bautista at Defense Secretary Delfin Lorenzana.