Sinimulan ng pamahalaang lokal ng Marikina City ang pamimigay ng bakuna sa mga bata laban sa polio.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, umaabot sa 200 mga bata ang kanilang nabakunahan sa unang araw ng kanilang medical mission sa Barangay Concepcion Uno.
Sinabi ni Teodoro, target nilang mabakunahan kontra polio ang nasa 40,000 mga bata sa Marikina City.
Tuloy tuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa programa kasabay na rin ng ikinasang polio outbreak response ng DOH.