Nanawagan ang mga ambassador ng Britain, France at Germany sa United Nations na imbestigahan ang Iran dahil sa pagsusuplay nito ng drones sa Russia.
Sa isang sulat na ipinadala kay UN Secretary General Antonio Guterres, sinabi ng mga Ambassador na dapat mapaimbestigahan ang naturang bansa dahil sa mabigat na paglabag nito sa UN Security Council.
Itinanggi naman ng Iran ang sinasabing pagbibigay nito sa Russia ng mga armas para gamitin laban sa Ukraine.
Mababatid na maraming bansa at organisasyon ang nagkondina sa sabwatan ng Russia at Iran dahil sa drone na target amg mga gusali at sibilyan. —sa panulat ni Hannah Oledan