Umaabot na sa humigit kumulang 38,000 pamilya ang apektado ng bagyong Lando na kasalukuyang nasa mga evacuation centers sa mga lugar na sinalanta ng bagyo mula sa 308 evacuation centers na mula sa Region 1,2,3,4-A at CAR.
Ayon kay Department of Social Welfare & Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman, tuloy-tuloy ang pamimigay ng mga food packs sa mga probinsya na apektado ng bagyo.
Sa ngayon aniya, umaabot na sa 196,000 food packs na ang naipamahagi ng DSWD.
“Meron po tayong 196,000 food packs na naibigay sa mga probinsiya ng CAR, Region 1,2,3,4-A, 4-B and 5, nagdagdag na din po kami ng mga 50,000 na food packs na nanggaling sa aming national resource operation center.” Ani Soliman.
Sinabi rin ni Soliman na may mga preposition food packs ang DSWD sa ilang mga isolated areas gaya ng Casiguran sa Aurora na hirap mapasok ng mga relief operations ng DSWD.
Dumating na rin aniya ang mga non-food items para sa mga apektado ng bagyo.
“Nagkaroon kasi tayo ng preposition ng 2,100 food packs yun ang ginamit immediately pagkatapos, at doon na po ginagawa yung packing, ang dumating kahapon sa kanila mula Maynila ay yung non-food items kung tawagin, blankets, mga damit at mga puwedeng gamitin para sa mga nawalan ng bubong.” Pahayag ni Soliman.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita