Sinimulan nang ipamahagi sa mga pasyente ng Sta. Ana Hospital sa Maynila ang gamot na Molnupiravir laban sa COVID-19.
Ito’y sa pamamagitan ng compassionate special permit (CSP) na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA).
Kaugnay nito, unang nai-turn over ng Faberco Life Sciences Inc. ang naturang gamot sa lokal na pamahalaan ng maynila bilang unang LGU na bumili nito.
Ang Molnupiravir ang kauna-unahang oral antiviral drug na kayang pigilan ang mild to moderate cases ng COVID-19 maging ang malubhang sakit. —sa panulat ni Airiam Sancho