Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na gusto lamang magpaturok ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech.
Ayon sa Pangulo, papaano naman ang ibang mga Filipino kung mamimili ng bakuna ang iba at ang gusto lamang ay Pfizer.
Giit ng Pangulo, hindi posible na mamili ng brand ng bakuna dahil sa limitadong suplay na meron ang mga ito.
Kasabay nito, muling ipinaalala ng Pangulo na lahat ng bakuna ay ligtas at epektibo.
If you begin to demand na exclusive yung Pfizer sa inyo, how about the others? Eh kung ubusin ninyo ang Pfizer para sa inyo lang, wala na iba, eh yung lahat na Pilipino na gusto ng Pfizer, hindi mabigyan,” ani Pangulong Duterte.
I cannot administer exclusively Pfizer sa isang lugar to the exclusion of other Filipinos. Kaya hindi pwede ho yan. Kailangan talaga, i-mix ‘yan at saka ‘yung blind ang tao sa anong binibigay. Basta may bakuna, period. And the best bakuna is really the one that’s available for you,” ani Duterte.