Naghain si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo ng kanyang sariling bersyon ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Nakasaad sa kanyang House Bill 6121 o Proposed Basic Act for the Bangsamoro Autonomous Region nakasaad na papalitan ng ARMM ng bubuoing BAR o Bangsamoro Autonomous Region.
Sakop ng BAR ang mga lalawigan at siyudad na sakop ng ARMM gayundin ang pagsama sa Cotabato at Isabela City Basilan.
Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon nito ng sariling gobyernong parliyamento bagama’t mananatili pa ring bahagi ng Pilipinas.
Pamumunuan ang BRG o Bangsamoro Regional Government ng isang parliament na binubuo ng 60 mga elected officials na kumakatawan sa iba’t ibang partido at sektor.
Pangungunahan naman ang naturang parliament ng isang Chief Minister na mahahalal batay sa boto ng mayorya ng mga miyembro ng parliament.
Ayon kay Arroyo layun ng nasabing panukalang BBL ang patas at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.