Isinailalim na sa state of calamity ang barangay ng Masantol, Pampanga.
Dahil ito sa nararanasang pagbaha na nagsimula noon pang nanalasa ang Bagyong Florita.
Ayon kay Angelina Blanco, opisyal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), iniutos ni Mayor Jose Antonio Bustos ang pagsailalim sa state of calamity ng lugar dahil pagdami ng mga barangay na naapektuhan ng pagbaha.
Sa huling tala ng PDRRMC, nasa 19 na barangay sa Masantol ang lubog sa baha na may lalim na dalawa hanggang apat na talampakan.