Pinag-aaralan ng Department of Agriculture kung paano gagawing taniman ng gulay ang “lahar area” sa Pampanga.
Ito ay matapos problemahin ng poultry farmers kung saang lugar idi-dispose ang mga dumi ng manok at iba pang animal waste ng dahil sa bird flu outbreak.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, maaaring gawing pataba o fertilizer ang mga dumi ng manok gamit ang greenhouse technology tulad ng ginagamit sa mga disyerto sa Israel.
Umaasa ang kalihim na sa susunod na linggo ay makapagsusumite ng “proposal” ang mga eksperto sa pagmamanukan at paggamit ng pataba hinggil sa nasabing panukala.
By Arianne Palma