Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagsibak sa puwesto kay Pampanga Provincial Police Office Chief P/Col. Robin Sarmiento.
Ito’y ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo ay kasunod ng nangyaring pagnanakaw ng 10 tauhan ng kanilang Intelligence Unit sa 10 sabungero sa Bacolor, Pampanga .
Pinalitan si Sarmiento ni P/Col. Jonas Amparo na siyang magsisilbing Officer-In-Charge habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa kaso.
Marso 19 nang salakayin ng 10 tauhan ng Pampanga Provincial Intelligence Unit ang compound ng isa sa 10 sabungero kung saan, nasamsam ang mahigit P370K pera at mga kagamitan.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Central Luzon PNP sa Kampo Olivas ang 10 akusadong Pulis at nahaharap sa patumpatong na kaso. -ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)