Nasunog ang isang nakadaong na barko sa Ormoc Port, Leyte kaninang madaling araw.
Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard, 3 sa mga crew nito ang kumpirmadong nasugatan habang wala namang napapaulat na nasawi sa insidente.
Higit sa 500 mga pasahero ang sakay ng M/V Wonderful Stars of Robles Shipping Line nang maganap ang insidente.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon upang alamin kung ano ang naging sanhi ng sunog sa naturang barko.
By Rianne Briones