(Updated)
Labing siyam (19) katao ang kumpirmadong patay at hindi bababa sa 20 ang sugatan matapos na mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro, kagabi.
Ayon sa ulat ng DWIZ correspondent sa probinsya, galing sa San Jose ang Dimple Star Transport bus na may plakang TYU-708 na patungo sana sa Maynila lulan ang 40 pasahero bago naganap ang aksidente.
Sinabi Municipal Disaster Risk Reduction Officer Arcris Canillo, batay sa salaysay ng isang pasaherong nakaligtas sa aksidente, nawalan ng preno ang bus nang papaliko ito sa Patrick Bridge kaya’t nagtuloy tuloy ito sa bangin.
Kasalukuyang nasa Sablayan District Hospital ang 19 na labi ng mga biktima habang nasa Mamburao Provincial Hospital ang dalawa.
Kasalukuyan pa rin ang isinasagawang rescue and retrieval operation ng PNP Sablayan, provincial government, PDRRMO, LGU Sablayan, MDRRMO, Philippine Army (4thIB) at Bureau of Fire Protection
Sa panayam ng DWIZ kay Occidental Mindoro Provincial Administrator Jun Montales na maituturing na accident prone area ang lugar kung saan nadisgrasya ang bus.
Ayon kay Montales kaagad sumaklolo ang staff ng provincial government sa malagim na aksidente.
“Accident prone area ang lugar na ‘yun, according sa report, doon sa across ng tulay napunta ang bus galing sa taas, sa pagitan nung bundok at tulay.” Pahayag ni Monatales
Ulat ni DWIZ MIMAROPA Correspondent Mariboy Ysibido / Photo Credit: Arman Largado / (Balitang Todong Lakas Interview)
—-