Mababa ang tyansa ng hawaan ng Covid-19 sa mga pampublikong sasakyan na mayroong barriers.
Ito ay ayon sa pag-aaral ng Ateneo De Manila University (ADMU) kaugnay sa epekto ng airflow ng barriers na gawa sa acetate o plastic.
Halimbawa anila.. Ang pwesto ng pagkakaupo sa MRT at LRT kung saan maayos na nakakadaloy ang hangin kumpara sa mga bus.
Samantala, binigyang diin din sa pag-aaral na mas epektibo ang paggamit ng face mask kaysa sa barriers. —sa panulat ni Airiam Sancho