Lumabas sa isang pag-aaral na panlima sa pinaka-worst na public transportation sa buong mundo ang mga pampublikong sasakyan sa Maynila.
Batay ito sa 2022 Public Transit Sub-Index na parte ng Urban Mobility Readiness Index 2022, na ginawa ng US-based Think Tank na si Oliver Wyman forum at ng University of California, Berkeley.
Sa nasabing pag-aaral, lumabas na ika-56 ang Maynila sa 60 lungsod sa mundo, kung saan nangunguna ang Johannesburg sa South Africa, Riyadh sa Saudi Arabia, Nairobi sa Kenya, at Jeddah sa Saudi Arabia.
Naging batayan sa tala ang pagiging limitado ng pampublikong sasakyan, kahusayan, at antas ng paggamit sa mga ito.