Tuloy pa rin ang pagpasada ng mga pampublikong sasakyan habang nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila simula Agosot 6 hanggang 20.
Ito ang tiniyak ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, na tanging mga Authorized Person Outside of Residence o APOR lamang ang papayagang lumabas.
Bagama’t pinapayagan ang ilang pampublikong sasakyan, ipapatupad naman ang mas mahigpit na health and safety protocols sa mga pasahero.
Sakaling maglabas ng utos ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, susunod ang Department Of Transportation o DOTR.
Kabilang dito ang mga government officials, frontliners, may pangangailangang medikal at kasama nila, mga kailangang umuwi ng bahay, at mga magpapabakuna.
Inaasahan namang maglalabas ang DOTr ng malinaw na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa panahon ng ECQ.