Tungkulin ng Commission on Elections (COMELEC) na aksyunan ang anumang election-related matters tulad ng pamimigay umano ng cellular phones na may litrato nina Vice President Jejomar Binay at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio Coloma Jr., nasa kapangyarihan ng COMELEC na magsagawa ng aksyon at imbestigasyon sa mga reklamo patungkol sa halalan.
Nabunyag na namudmod ng mga cellular phones na may litrato si VP Binay sa mga botante sa pag-iikot nito habang may pangalang “Tolentino” naman ang ipinamahaging star mobile phones ng independent senatorial candidate na si Tolentino.
Ayon sa isang election watchdog, maituturing na ‘panunuhol’ sa mga botante ang ginawang ito nina Binay at Tolentino kaya dapat imbestigahan ng COMELEC.
By Mariboy Ysibido