Nagsimula nang magpamudmod ang pulisya ng mga brochure sa publiko para maging ligtas ngayong summer vacation.
Sinabi ni Police Supt. Elmer Ceremo ng Philippine National Police o PNP Police Community Relations Group, naglalaman ito ng safety tips sa pagbiyahe, pagsakay sa mga pampublikong sasakyan, pagpunta sa mga beach resort, simbahan at iba pa.
Ipinamahagi ang mga naturang brochure sa mga matataong lugar tulad ng terminal at mall.
Ayon kay Cereno, pinakatalamak ngayong summer vacation ang kaso ng pananalisi kaya pinapayuhan nila ang publiko na mag-doble ingat sa bitbit na gamit lalo na ang mga alahas, gadget at iba pang mamahaling bagay.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal