Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na mamuhay ng may integridad sa sarili at sa bansa.
Kasabay ito ng pagsisimula ng Ramadan, banal na buwan ng pag-aayuno at pamamahagi ng pagpapala para sa mga Islam.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte, sinabi nito na katulad ng pag-aayuno na natatapos sa piging, umaasa siya na masusuklian ang mga disiplina at repleksyon ng mga tao bilang koneksyon kay Allah.
Habang umaasa rin ang pangulo na magsisilbing gabay ang okasyon, upang maituro ang Qur’an sa pagdedesisyon ng lahat.
Sa panahon ng Ramadan, hindi kakain, iinom, maninigarilyo at magkakaroon ng sexual activities ang mga Muslim. – sa panulat ni Abby Malanday