Dapat umanong gumanda ang pamumuhay ng mga mamamayan sa gitna ng pangunguna ng Pilipinas sa listahan ng mga bansang magandang paglagakan ng investment maging ang employment rate sa pinakahuling survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) .
Ayon Senator Sonny Angara, ang nasabing ulat ay dapat magbunga ng mga dekalidad at disenteng trabaho na magpapaginhawa sa buhay ng bawat Pilipino at balewala ang report kung hindi ramdam ng ordinaryong mamamayan.
Bagaman tumaas ang employment rate sa bansa ngayong taon, tumaas naman ang under-employment.
Nangangahulugan ito na may trabaho pero hindi naman sapat ang kinikita ng mga manggagawa para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin kaya’t naghahanap pa rin ng ibang pagkakakitaan.
Umaasa naman si Angara na ang papasok na investments sa bansa ay magreresulta sa mga de-kalidad na trabaho na may mataas na suweldo.
-Cely Ortega-Bueno