Positibong grado ang ipinagkaloob ng Fitch Ratings sa pamumuhunan sa Pilipinas.
Sa ginawang pag-aaral ng Fitch sa Pilipinas bilang isang bansang umuutang ng long-term foreign currency, napanatili nito ang gradong minimum investment na bbb o good credit quality.
Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng sapat na kakayahayang mabayaran ang mga utang.
Gayunpaman, ipinaalala ng Fitch na posible pa ring mapahina ang nasabing kakayahan dahil sa hindi magandang ekonomiya.
By Avee Devierte