Hindi puwede ang pamumulitika sa graduation ceremony and recognition.
Ito ay matapos payagan ang pagsasagawa ng in-preson graduation march at ceremony sa mga lugar na nasa Alert Level 1 at 2.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio, nakasaad kasi sa DepEd Order No. 48 series of 2018, dapat ligtas ang End-of-School-Year (EOSY) rites mula sa Electioneering at Partisan Political Activity.
Paliwanag nito, itinuturing kasi bilang solemn at dignified ang nasabing seremonya kaya hindi ito dapat gamitin para pag-usapan ang pulitika.
Aniya, dapat ang isasagawang seremonya ay nakatuon sa temang itinakda ngayong taon na “K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity”.
Samantala, mananatiling virtual ceremony ang graduation rites ng mga eskwelahan na nasa ilalim ng Alert level 3, 4 at 5.