Pinuri ng ilang Vietnamese leaders ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpalago sa ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mga hamon sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Vietnam President Vo Van Thuong, simula nang maupo si Pangulong Marcos bilang presidente, maraming tagumpay ang nakamit ng bansa sa pag-unlad ng ekonomiya, partikular na sa mga sektor ng socioeconomics, foreign policies, at security and defense.
Para naman kay Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, nais nilang matutunan ang economic strategy at leadership style ni Pangulong Marcos na dapat tularan ng mga pinuno ng Vietnam.
Samantala, kinilala rin ni National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue ang administrasyon at economic performance ni Pangulong Marcos. Aniya, nakagawa ang Pangulo ng mga makabuluhang pagbabago para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Matatandaang bumisita si Pangulong Marcos sa Vietnam noong January 29 para sa kanyang two-day state visit na inilarawan ni President Thuong bilang “fruitful.”