Pormal nang itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino bilang bagong pinuno ng Philippine Army si Major General Eduardo Año.
Pupunan ni Año ang binakanteng pwesto ni Lt. General Hernando Iriberri na hinirang naman na bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Si Año ay bahagi ng PMA Matikas Class of 1983.
Dati din siyang pinuno ng Intelligence Service ng AFP at dating Commander ng 10th Infantry Division sa Davao.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Año si Pangulong Aquino para sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.
Buong sigla namang tinanggap ni Año ang kanyang bagong tungkulin bilang pununo ng Philippine Army.
“I shall be the same instrument of change that will pursue the continuity of these reforms, under my watch, we shall carry on and stay the course towards becoming a world class Army that is a source of national pride. Pero ngayon pa lang, gusto kong malaman ng bawat kawal na patuloy na nagsisilbi ng tuwid at nagbubuwis ng buhay para sa ating bayan, na isang malaking karangalan na kayo’y aking paglingkuran bilang inyong pinuno.” Pahayag ni Año.
Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino, ang ginawang change of command sa tanggapan ng Philippine Army.
By Ralph Obina