Tuluyan nang naisalin ni retired Lt/Gen. Glorioso Miranda kay Maj/Gen. Rolando Bautista ang pamumuno sa hukbong katihan ng Pilipinas o Philippine Army.
Sa isinagawang Change of Command sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio sa Taguig City, tiniyak ni Bautista na babalik siya sa Marawi para tapusin ang laban kontra sa mga teroristang Maute – ISIS.
Magugunitang pinamunuan ni Bausita ang Joint Task Force Marawi bago ito maitalaga bilang pinuno ng Philippine Army at nagsilbi rin siyang commander ng PSG o Presidential Security Group sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Kasunod nito, nanawagan si Bautista sa mga sundalo na pagbutihin pa ang pagganap sa kanilang trabaho bilang bahagi ng kanilang paglilingkod sa bayan.