Muling nag-sorry ang pamunuan ng Facebook matapos ang malawakang outage sa buong mundo.
Matatandaang nitong Biyernes ay hirap na makatanggap at makapagpadala ng mensahe ang mga subscribers ng FB messenger, instagram dm o workplace chat.
Sa kabila ng paghingi nila ng paumahin, hindi naman binanggit ng kompanya kung ano ang sanhi ng nabanggit na aberya.